Online Treasure Hunt Template

 

Palatandaan ng Kakapusan Bilang isang Suliraning Panlipunan

 

EMILIO B. ESCANILLAN, JR.

SIBONGA NATIONAL HIGH SCHOOL

SIBONGA, CEBU

[email protected]

 

 

PANIMULA

 

Sa ating pagtatalakay ng wastong pagpapahalaga ng mga Pilpino sa paggamit ng pinagkukunang yaman, ating nalalaman na ang pagsunod sa mga batas ng konserbasyon, kapaligiran at likas-kayang paggamit ang siyang paraan upang mapanatili natin ang kasapatan ng ating pinagkukunang yaman.

 

Sa kabilang dako naman, kahit gaano kahigpit ang mga batas sa konserbasyon ng ating pamahalaan hindi pa rin  ito sapat upang maiwasan ang kakapusan ng ating pinagkukunang yaman.

 

Tulad ng isang bagyo na papalapit sa ating bansa may  mga palatandaan ang kakapusan na dapat natin malaman. Sa pamamagitan ng ONLINE TREASURE HUNT malalaman natin ang mga palatandaan ng kakapusan bilang isang suliraning panlipunan.

 

Pag-aralang mabuti ang mga tanong sa ibaba. Ang mga ito ay magsisilbing gabay sa  paglikom ng mga sagot sa piling  website tungkol sa paksa natin ngayon. Hanapin ang mga sagot sa mga website na nakalista. Pagkatapos sagutin ang Malaking Tanong.

 

Ang Treasure Hunt na ito ay pangkating Gawain. May tatlo hangang apat na kasapi ang bawat pangkat. Oras na para mag hunt !!! Lets go !!!

Mga Tanong

1.      Ano ang kakapusan ? (Shortage)

2.      Bakit marami ang pumipila sa pagbili ng NFA rice?

3.      Ano ang mangyari kapag tumataas ang presyo ng langis?

4.      Bakit may mga lugar sa Metro Manila na mahina ang daloy ng tubig?

5.      Ano ang manyari kapag maraming doctor ang kumuha ng kursong nurse?

6.      Ano ang epekto ng pagtaas ng presyo ng semento?

 

 

 

girl sits at computer animated gif

Web Resources (Please click the website to open)

 

*      http://www.gmanews.tv/video/21390/NFA-unveils-new-system-in-selling-cheap-rice

*      http://www.cbsnews.com/stories/2007/08/01/asia_letter/main3121592.shtml

*      http://news.sl/drwebsite/publish/article_20058446.shtml

*      http://www.manilastandardtoday.com/?page=news1_nov28_2006

*      http://www.gmanews.tv/video/21399/Price-of-cement-rises

*      http://encarta.msn.com/dictionary_/shortage.html

 

Malaking Tanong

Gumawa ng Tsart na magpapakita ng  palatandaan ng kakapusan bilang isang Suliraning Panlipunan. Gamitin  ninyo ang inihandang tsart sa ibaba bilang modelo sa gawaing ito. Isulat ito sa isang manila paper. Gawin ito bilang pangkatang gawain at pumili ang bawat pangkat ng taga-ulat sa paksa na tintalakay.

 

Pinagkukunang Yaman

Palatandaan ng Kakapusan

Suliraning dulot ng Kakapusan

1. Tubig

Walang tiyak na oras ang pagdaloy ng tubig sa gripo.

Nagkagulo sa pagkuha ng tubig sa nagrarasyon.

2.

 

 

3.

 

 

4.

 

 

5.

 

 

 

 

 

 

(May 6, 2008)

 

 

 

Template adapted from Tom March, http://www.ozline.com/templates/hunt.html